Gusot sa pagitan ng HK at Pinas plantsado na!

Sakuradate/Wikimedia

MANILA, Philippines — Pinatawad na ng gobyerno ng Hong Kong ngayong Miyerkules ang Pilipinas kaugnay ng 2010 Manila hostage crisi na ikinasawi ng walong dayuhan.

Nawakasan ang gusot sa pagitan ng dalawang bansa matapos tumulak pa Hong Kong si dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada upang ayusin ang problema.

"The Hong Kong and Philippine governments have agreed to resolve the 2010 Manila hostage tragedy," nakasaad sa website nila.

"The four demands made by the victims and their families for an apology, compensation, sanctions against responsible officials and individuals, and tourist safety measures, will be settled," dagdag nila.

Ipinawalang bisa na rin ng Hong Kong ang diplomatic sanctions nila sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas kung saan tinaggal nila ang 14-day visa-free access.

Bukod sa pagpunta ni Estrada sa Hong Kong ay nagpadala rin ng liham si Philippine National Police chief Director General Alan Purisima kung saan humihingi ito ng paumanhin sa mga naging biktima ng marahas na hostage crisis sa Rizal Park.

Show comments