Kapakanan ng mga empleyado isinulong SSS nakipagkasundo sa DILG at DSWD

MANILA, Philippines - Upang maprotektahan ang kapakanan ng milyong manggagawa sa public sector, lumagda sa isang kasunduan ang Social Security System (SSS)  sa pagitan ng Department of Interior and Local Government (DILG) at  Department of Social Welfare and Development (DSWD) para bigyan ng  SSS coverage ang mga  Job Order (JO) at contractual personnel ng naturang mga ahensiya  bilang mga self-employed members.

Ayon kay Judy Frances See, SSS Senior Vice President for Account Management, benepisyaryo ng programang ito ang may 100,000 manggagawa sa DILG at 12,000 naman sa DSWD na pawang mga JO at contractual employees.

Ang mga contractuals at JO workers  ay hindi miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) dahil ang mga ito ay pawang hindi  regular employees sa naturang mga ahensiya. Ang mga miyembro ng GSIS ay mga regular employees sa mga tanggapan ng gobyerno at iba pang pampublikong tanggapan.

Sa pamamagitan ng pagpapasailalim bilang self-employed SSS members, ang mga  JO at contractual workers ay maaari nang  makatanggap ng benepisyo tulad ng ibang regular employees sa private sector  tulad ng maternity, sickness, disability, retirement at  death benefits.

 

Show comments