Enhanced Defense Cooperation: Pirmahan nina PNoy at Obama, ‘di pa tiyak
MANILA, Philippines - Wala pang katiyakan kung malalagdaan nina PaÂngulong Benigno Aquino lll at U.S Pres. Barrack Obama ang binabalangkas na Enhanced Defense Cooperation sa 2-araw na pagbisita nito sa bansa simula April 28 hanggang 29.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., hindi naman nakatali sa nasabing military agreement ang pagdalaw ni Obama kundi sa iba pang larangan sa bilateral relations ng magkaalyadong bansa.
Ayon pa kay Sec. Coloma, sa pagkaalam niya ay tinatalakay at isinasapinal pa ang naturang kasunduan.
Ikinatwiran pa ni Coloma na wala namang deadline o pressure sa US at Phil. panels para agarang tapusin ang nasabing agreement.
Sinabi pa ni Coloma na dumadaan sa masusing pag-aaral ng magkabilang panig ang bawat probisyon para masigurong naaayon ito sa mga umiiral na batas at konstitusyon.
- Latest