Suspek sa kaso ni Vhong nais maging witness
MANILA, Philippines — Isa sa mga suspek sa kasong grave coercion at serious illegal detention dahil sa pambubugbog sa artistang si Vhong Navarro ang nais maging state witness, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima.
Sinabi ni De Lima na handang isiwalat ng suspek ang lahat ng kanilang pinlano at ginawa kay Navarro na tinawag ng negosyanteng si Cedric Lee na “Oplan Bugbog.â€
Dagdag niya na inaasikaso pa ng korte ang aplikasyon ng naturang suspek sa pagiging state witness upang hindi na maisama sa mga pinaaresto.
Kaugnay na balita: Walang piyansa: Arrest warrant vs Lee, Cornejo inilabas na
Ayaw pangalanan ni De Lima ang naturang suspek para sa seguridad niya.
Bukod kay Lee, kasamang pinaaaresto ng korte para sa kasong grave coercion ang modelong si Deniece Cornejo, Bernice Cua Lee, Simeon Raz, Jose Paolo Gregorio Calma, Ferdinand Guerrero at Sajed Fernandez Abuhijleh alias "Jed Fernandez."
Hindi naman isinama sa warrant of arrest para sa kasong serious illegal detention sina Bernice at Calma.
Kaugnay na balita: Vhong nagtataka sa arrest warrant vs Lee, Cornejo
- Latest