Single ticketing giit

MANILA, Philippines - Upang masiguro na maayos at walang sagabal sa pagbibiyahe ng publiko, kayat isinusulong ni 3rd district Quezon Rep. Aleta Suarez ang single ticketing system sa lahat ng superhighway sa bansa.

Sa House Resolution 884 na inihain ni Suarez, iginiit nito na dapat i-require ng gobyerno ang iba’t ibang toll operators na maglagay ng single ticketing system upang maalis na ang mga booth na nanga­ngailangan pang bumili ng magkakaibang devices sa kada operators at mga booth.

Pinuri naman nito ang ginawa sa North Luzon Expressway (NLEX), South Luzon Expressway (SLEX), konstruksyon ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) at Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX) dahil sa tiyak umanong gaganda ang transportasyon ng tao, gayundin ang mga goods at serbisyo rito.

Subalit bagamat halos mapapabuti sa transport system ng bansa dito ay nababawasan pa rin ang dapat sana’y maayos at tuloy-tuloy na paglalakbay ng publiko dahil sa magkakaibang toll operators dahil nagiging dahilan din ito ng pagsisikip ng daloy ng trapiko.

 

Show comments