MANILA, Philippines - Umabot na sa 23 ang iniulat na nasawi habang 99 pa ang sugatan sa iba’t ibang uri ng insidente na naganap noong Semana Santa.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council kahapon, may kabuuang 36 na insidente ang namonitor sa Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VIII, X, XI, NCR at CAR.
Ang insidente ay kinasasangkutan ng vehiÂcular na nagtala ng16; 10 sa pagkalunod; at anim sa insidente ng sunog; isang maritime incident sa Odiongan, Romblon; isang carbon monoxide poisoning sa Catbalogan, Samar; isang insidente ng pagbaha sa Tagum City, Davao del Norte; at isang pamamaril sa Nagtipunan, Quirino Province.
Ayon sa NDRRMC, ang kabuuang 23 nasawi at 99 na nasugatan ay iniulat sa pamamagitan ng monitoring sa mga insidente, habang ang 11 katao na naospital sanhi ng carbon monoxide poisoning at tatlo ang nakaligtas mula sa insidente ng pagkalunod.
Na-monitor naman ng Philippine Coast Guard ang kabuuang 37,104 outbound passengers at 35,467 inbound passengers kahapon na may kaugnayan sa “Oplan Ligtas Biyahe: Kwaresma 2014â€.