Tax evasion ni Lee, Olarte sisimulan sa Abril 28

MANILA, Philippines - Nakatakdang simulan ng Department of Justice (DOJ) ang imbestigasyon kaugnay sa isinampang tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa negosyanteng si Cedric Lee.

Una nang itinakda ni State Prosecutor Allan Stewart Mariano ang unang araw ng preliminary investigation nitong Abril 11, subalit umapela ang kampo ni Lee na iurong ito sa Abril 28

Ang kasong P194.7 millyon tax evasion case ni Lee ay inihain sa DOJ ng BIR bunsod ng kabiguan ng kanyang kumpanya na Izumo Contractors Inc. na magbayad ng tamang buwis mula taong 2006 hanggang 2009.

Si Lee ang presidente at chief  executive officer ng Izumo Contractors.

Samantala, sa Abril 28 na rin isasagawa ang preliminary investigation sa tax evasion case ng BIR laban kay dating Philippine Medical Association president Dr. Leo Olarte.

Si Olarte ay kinasuhan ng BIR dahil sa kabiguan na magbayad ng P2.98 milyon na tax liability mula 2006 hanggang 2012.

 

Show comments