Entry sa Palanca puwede na sa online
MANILA, Philippines - Sa ika-64 nitong pagtaÂtanghal, ang Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (Palanca Awards), ang pinaka-premyado at pinakamatagal na pampanitikang timÂpalak sa Pilipinas, ay muling tumatanggap ng mga lahok para sa taunan nitong paligsahan.
Ngayong taon, pinaghusay ng Palanca Awards ang kanilang submission system upang mapadali ang pagpapasa ng mga lahok, lalo para sa mga naghahangad na maging pampanitikang manlilikha at mga propesyunal na manunulat na nagnanais sumali sa paligsahan ngunit nakabase sa mga probinsya o sa ibang bansa. Ang mga kalahok ay hindi na kinakailangang magpasa ng hard coÂpies ng kanilang mga isinulat upang makatipid sa gastos sa printing at courier service.
Ang online submission para sa ika-64 na Palanca Awards ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng kanilang opisÂyal na website, www.palan caawards.com.ph, kung saan maida-download ang mga contest documents.
Ang mga nasulatang forms at mga lahok ay maaÂaring i-upload at ipasa sa website. Upang kumpletuhin ang pamamaraan ng pagpaÂpasa ng lahok, ang mga conÂtest documents ay dapat na ipa-notaryo at ipadala sa alinmang mga address: (1) Unit 603, 6th Floor Park Trade Centre Bldg., 1716 Investment Drive Madrigal Business Park, Ayala Alabang, MunÂtinlupa City; o (2) Unit 3G, OPL Bldg., 100 C. Palanca St., Legaspi Village, Makati City.
- Latest