MANILA, Philippines - Pinawalang sala ng Court of Appeals ang isang pulis at ama nito sa kasong pagpatay sa isang lalaki noong Mayo 23, 2001 sa harap ng No. 667 Algeciras St., Sampaloc, Maynila.
Si PO3 Larry Laurente at amang si Kagawad Pepito LauÂrente ay napawalang sala ng CA matapos na baligtarin ang naunang desisyon ng Manila Regional Trial Court branch 18 sa pagpatay kay Marvin Fernandez.
Ang mag-amang Laurente ay una nang na-convict ng mababang korte kung saan hinatulang mabilanggo ng mula walong taon at 1 araw sa ilalim ng prison mayor na minimum ng 14 na taon bukod pa sa pagbabayad sa biktima ng P50,000 bilang civil indemnity at P50,000 para sa moral damages.
Kapwa inapela ng mag-ama ang kanilang kaso sa CA. Habang nakaapela, namatay si Pepito na indikasyon na ang kanyang conviction ay moot and academic.
Gayunman, pinaboran ng CA ang apela ni PO3 Larry Laurente kung saan nabaligtad ang April 1, 2011 decision ng korte at naabsuwelto ang pulis.
Ang mag-amang Laurente ay kinatawan ni dating IBP Governor for Greater Manila Region at President of Philippine Trial Lawyers Association, Inc. (PTLA) Atty. Jose P. Icaonapo, Jr. ng Icaonapo Litong and Associates Law OfficeÂ.