^

Bansa

Pulis, ama absuwelto sa pagpatay

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinawalang sala ng Court of Appeals ang isang pulis at ama nito sa kasong pagpatay sa isang lalaki noong Mayo 23, 2001 sa harap ng No. 667 Algeciras St., Sampaloc, Maynila.

Si PO3 Larry Laurente at amang si Kagawad Pepito Lau­rente ay napawalang sala ng CA matapos na baligtarin ang naunang desisyon  ng Manila Regional Trial Court branch 18 sa pagpatay kay Marvin Fernandez.

Ang mag-amang Laurente­ ay una nang na-convict ng mababang korte kung saan hinatulang mabilanggo ng mula walong taon at 1 araw sa ilalim ng prison mayor na minimum ng 14 na taon bukod pa sa  pagbabayad sa biktima ng P50,000 bilang civil indemnity at P50,000 para sa moral damages.

Kapwa inapela ng mag-ama ang kanilang kaso sa CA. Habang nakaapela, namatay si Pepito na indikasyon na ang kanyang conviction ay moot and academic.

Gayunman, pinaboran ng CA ang apela ni PO3 Larry Laurente kung saan nabaligtad ang April 1, 2011 decision ng korte at naabsuwelto ang pulis.

Ang mag-amang  Laurente ay kinatawan ni  dating IBP Governor for Greater Manila Region at President of Philippine Trial Lawyers Association, Inc. (PTLA) Atty. Jose P. Icaonapo, Jr. ng Icaonapo Litong and Associates Law Office­.

ALGECIRAS ST.

COURT OF APPEALS

GREATER MANILA REGION

ICAONAPO LITONG AND ASSOCIATES LAW OFFICE

JOSE P

KAGAWAD PEPITO LAU

LARRY LAURENTE

LAURENTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with