Ngayong Holy Week Manila Water tiniyak na normal ang suplay ng tubig
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Manila Water, ang kunsesyonaryo ng patubig at alkantarilya sa silangang bahagi ng Metro Manila, na mananatiling normal ang kanilang serbisyo at operasyon ngaÂyong Semana Santa.
Sa gitna ng umiigting na pagkabahala ng mga kustomer sa East Zone patungkol sa pagkawala ng serbisyo ng tubig sa kanilang lugar, tiniyak ni Jeric Sevilla, tagapagsalita ng Manila Water, na “walang pagbabago sa aming suplay ng tubig sa mga darating na linggo. Makatitiyak ang aming 6.3 milyong kustomer sa East Zone sa patuloy na 24/7 na serbisyo ng tubig.â€
Ngunit idinagdag ni Sevilla na patuloy na mag-aantabay ang mga kawani ng Manila Water kung sakaling mangangaÂilangan ng biglaang pagkukumpuni.
Nagkakaloob ng serbisyo sa patubig at alkantarilya ang Manila Water sa Mandaluyong, Marikina, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig, Makati at ilang bahagi ng Quezon City at Maynila gayundin sa Lunsod ng Antipolo at mga bayan ng AngonoÂ, Baras, Binangonan, Cainta, Cardona, Jala-Jala, Rodriguez, Taytay at San Mateo sa lalawigan ng Rizal.
- Latest