LPA humina, pero dalang ulan ‘wag balewalain - PAGASA
MANILA, Philippines - Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente ng Luzon particular ang Palawan at Bicol gayundin sa Visayas at Mindanao na huwag ipagwalang bahala ang paghina ng low pressure area (LPA) na dating si bagyong Domeng dahil maari pa ring magdulot ng pinsala ang dala nitong ulan sa nabanggit na mga lugar.
Ayon sa PAGASA, banta pa rin ang landslide sa nabanggit na mga lugar dahil may ilang araw na nababad sa tubig ulan ang mga lupa doon dulot ng mga pag-uulan na dala ng LPA nitong nakaraang araw.
Nitong nakalipas na mga araw, dumanas ng mga pag-ulan ang Bicol, Palawan,Visayas at Mindanao dahil sa epekto ng LPA.
Kahapon ng umaga, ang LPA ay huling namataan sa silangan ng Surigao City matapos itong bahagyang bumaba mula sa daÂting eastern Visayas.
Si Domeng ay humina at naging LPA makaraang lumapit sa kalupaan sa bansa.
- Latest