MANILA, Philippines - Nakiusap si Pangulong Aquino sa sambayanan na makiisa sa pagtitipid upang maiwasan ang power shortage lalo ngaÂyong summer season.
Ayon sa Pangulo matapos ang ginawa nitong pag-iikot sa mga terminals sa Metro Manila, masyadong manipis na ang reserve kaya hinihikayat niya ang taumbayan na magtipid sa kuryente.
Unang binisita ng Pangulo kahapon ang NAIA terminal 3 at 4 sa Pasay City upang masiguro na naipapatupad ang safety ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsiya ngayong Semana Santa.
Kuntento naman ang PaÂngulo sa ginawang rehabilitation at improvement ng mga facilities sa mga paliparan pero nagtataka ito kung bakit naging matagal ang delivery ng aircon units sa NAIA terminal 1.
“Ang mga chiller para sa NAIA Terminal 1 ay sa Agosto 2014 pa darating,†wika pa ng Pangulo gayung November pa ng nakaraang taon ito inorder.
Humingi naman ng paumanhin si PNoy sa mga pasahero ng NAIA 1 sa pagkabigong maisaayos kaagad ang aircon units.
Samantala, mga kapatid at pamangkin ang makakasama ng Pangulo sa pag-obserba ng Mahal na Araw.
Aniya, baka sa Times St., Quezon City o sa Bahay PaÂngarap lamang sila magdiwang ng Eastern Sunday at hindi siya papanik ng Baguio City.