Worry-free na bakasyon sa Sun’s roaming services

MANILA, Philippines - Maaari nang makatawag o maka-text ngayon sa 150 bansa sa pamamagitan ng Sun Cellular postpaid at pre-paid roaming services.

Ayon sa Sun, worry-free na kapag ang subscriber ay komunek sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan abroad dahil makokoberan na ang kanilang kumunikasyon ng Sun roaming services.

Hindi na problema ang magbakas­yon o mag-adventure saan mang lugar dahil madali lang maka­kontak ang mga gumagamit ng serbisyo ng Sun.

Para sa Sun postpaid subscribers, ang call at text services on roaming mode ay  pwede sa Africa, Asia, Australia, Europe, North America and South America.

Ang data roaming ay available din sa 70 bansa tulad ng United States, United Arab Emirates, China, Hong Kong, Singapore at Malaysia.

Para magka-roaming service, tumawag lang ang mga postpaid subscribers sa Sun Hotline 200 kahit isang oras bago umalis ng bansa.

Sa mga prepaid subscribers naman, pwede ang Sun roaming service sa China, Macau, Hong Kong, Singapore, Malaysia at United States.

Mag-text lang sa ROAM ON at i-send sa 222 isang araw  din bago mag-abroad.

Habang nasa ibang bansa, maaaring mamili ang subscribers sa mobile networks sa pagpunta sa Phone Settings> Network Selections> Manual Selection>SUN.

Libre din ang makatanggap ng text messages sa Sun roaming service. Ang pagpapadala naman ng message at pagsagot sa telepono ay may bayad.

Para ma-text ang lahat, i-dial ang country code + area code at phone number (i.e. + 1 + 323 + 1234567 or 00 + 1 + 323 + 1234567). Para sa karagdagang impor­masyon, mag-log on sa www.suncellular.com.ph.

Show comments