Maynilad magde-deploy ng water tankers
MANILA, Philippines - Sa kabila ng nakaambang tatlong araw na mawaÂwalan ng tubig sa ibang lugar sa Metro Manila at Cavite, inihayag ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) na hindi dapat mangamba ang mga apektadong resiÂdente dahil sa maraming water tankers ang iikot sa paÂnaÂÂhon ng semana santa.
Sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan ng Maynila, Pasay at Muntinlupa gayundin ang Manila Water at asosasyon ng volunteers, fire chiefs at firefighters sa bansa, inaasahan na mararasyunan ng tubig ang lahat ng mga apektadong lugar.
Sa kasalukuyan, may 78 water tankers na ang nakaantabay na kung saan 67 sa Maynilad, 11 ang mula sa Manila Water at posibleng makahiram ng 20 hanggang 30 tankers mula naman sa mga fire volunteers.
Tutulong na rin ang Manila government na kung saan ay magpapakalat sila ng 26 water tankers sa mga apektadong lugar darating na holy week gayundin ang Pasay at Muntinlupa.
Ang kawalan ng tubig sa panahon ng semana santa ay dahil sa flood interceptor project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at partikular na tututukan ay ang lugar ng Caloocan, Malabon, Navotas at Manila na siyang makakaranas ng 72 oras o 3 araw na walang tubig.
“The private water vendors in our service area have closed shop and sold off their water trucks. This made the leasing of private water tankers for this interruption practically impossible,†ani Cherubim Mojica, Corporate Communications Head of Maynilad.
Bukod dito, hinihiling din ng Maynilad sa mga apekÂtadong residente na mag-imbak ng tubig.
Inihayag din ng Maynilad na ang tubig na kanilang Irarasyon ay free of charge o walang bayad kaya’t anuÂmang pagtatangka na may maningil ay i-report agad sa Maynilad hotline 1626.
- Latest