^

Bansa

5 pang Pinoy na-quarantine OFW patay sa corona virus sa UAE

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpirma ng Department of Foreign  Affairs (DFA) na isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nasawi matapos na tamaan ng nakamamatay na sakit na Middle East Respiratory Syndrome corona virus (MERS-CoV) at nakatakdang ipasailalim sa cremation procedure sa United Arab Emirates (UAE).

Tumanggi ang DFA na pangalanan ang nasabing OFW na nagtatrabaho bilang nurse sa isang ospital sa Abu Dhabi.

Sinabi ng UAE Mi­nistry of Interior na may limang Pinoy nurse pa na kasamahan ng nasawi at nakatalaga sa Rescue and Ambulance Section ng isang ospital sa Al Ain City ang ipinasailalim na sa “quarantine” sa ospital matapos na tamaan  ng corona virus.

Nakamonitor ang Embahada ng Pilipinas at Labor  Post sa Abu Dhabi sa kondisyon ng limang Pinoy na nasa isolation area matapos na ma-quarantine dahil sa nasabing nakamamatay na sakit.

 

ABU DHABI

AL AIN CITY

DEPARTMENT OF FOREIGN

EMBAHADA

KINUMPIRMA

MIDDLE EAST RESPIRATORY SYNDROME

OVERSEAS FILIPINO WORKER

PINOY

RESCUE AND AMBULANCE SECTION

UNITED ARAB EMIRATES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with