MANILA, Philippines - Umapela si Marikina Rep. Miro Quimbo kay Bureau of Internal ReÂvenue (BIR) Commissioner Kim Henares na huwag gipitin at hayaan munang makapagdiwang si Pambansang Kamao Manny Pacquiao sa pagkakapanalo kay Timothy Bradley bago singilin ng buwis.
Sinabi ni Quimbo na hindi lang naman para sa sarili kundi maging sa mga Pinoy rin ang pagkakapanalo ni Pacquiao kaya dapat na bigyan naman ito ng panahon i-enjoy ang panalo.
Kumpyansa naman si Deputy Majority LeaÂder Sherwin Tugna na haharapin ni Pacquiao ang BIR pag-uwi nito sa bansa.
Matatandaan na bago pa man ang laban nina Pacquiao at Bradley ay nagpaalala na agad si Henares sa Pambansang Kamao na huwag kalimutang magbayad ng buwis.
Hinikayat ni Henares na kung may mga uunahing gawin si Pacquiao sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay mas makabubuting unahing resolbahin ang dating tax issues nito upang hindi magka-patong-patong ang mga babayarang buwis sa ahensiya.
Sinabi ni Henares na nagkausap lamang sila noon ni Pacquiao at humingi ito ng paumanhin sa kanya dahil sa kanilang patutsadahan pero hanggang sa ngayon ay hindi pa naaayos ang mga pagkakamali nito sa tax requirements kaugnay ng buwis mula sa mga dati pa nitong laban sa boxing sa nagdaang mga taon.
Ang buwis na babaÂyaran ni Pacman sa kaÂnilang laban ni Bradley ay papasok sa second quarter ng 2014.
Samantala, matapos ang pagkakapanalo ni Pacquiao ay lalong lumakas ang panawagan ng mga kongresista na gawin dito sa Pilipinas ang susunod na laban ng Pambansang Kamao.
Sinabi nina House Speaker Feliciano “Sonny†Belmonte Jr., Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Cavite Rep. Elpidio “Pidi†Barzaga Jr., Quezon City Rep.Winston “Winnie†Castelo at Paranaque City Rep. Gus Tambunting na dapat magtulong tulong ang mga taong may kinalaman sa laban ni Pacquiao upang dito na ganapin ang susunod na laban nito.
Ito ay upang lalo pa umanong umunlad ang turismo ng bansa at makaakit pa ng mas maraming investors ang Pilipinas.