MANILA, Philippines - Tinanggal na sa talaan ng European Commission ang pagbabawal sa mga eroplano ng Cebu Pacific na makalipad sa European Union member countries matapos itong ihayag ni Dr. Julian Vassallo, Chargé d’ Affaires ng Delegation of the European Union to the Philippines sa tanggapan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP).
“We welcome this development, a testament to Cebu Pacific’s commitment to safety and full compliance with the international aviation safety standards. This would not have been possible without the full support of the Philippine government, and especially the Civil Aviation Authority of the Philippines. This enables Cebu Pacific to continue flying to where the Filipinos are. With nearly a million Filipinos working in the EU, we look forward to offering CEB’s trademark lowest fares, and the most extensive route network in the PhilipÂpines,†sabi ni Lance Gokongwei, President/CEO ng Cebu Pacific.
Samantala, inaasahan naman ni Tourism Sec. Ramon Jimenez ang pagdagsa ng turista mula sa European countries matapos ang lifting ng ban ng Cebu Pacific na makalipad patungo sa mga bansa sa Europe.
Matatandaan na inanunsiyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ibinalik na ng US Federal Aviation Authority (FAA) sa Category 1 ang aviation safety rating ng PiÂlipinas.
Dahil dito, puwede ng magdagdag ng mga bagong ruta ng eroplano ang Pilipinas para maglakbay sa Estados Unidos nang walang mga restrictions o matinding paghihigpit.