MANILA, Philippines - Maghahandog ang Armed Forces of the PhilipÂpines (AFP) ng ‘free viewing’ sa boxing rematch nina Sarangani Rep. Manny Pacquiao at American boxer Timothy Ray Bradley Jr . sa Sabado ng gabi (Linggo ng umaga sa Manila).
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Ramon Zagala II, ang libreng panonood ng laban nina Pacman at Bradley ay alay ng AFP para sa mga sundalo at kanilang mga dependents.
Si Pacman ay isang reservist ng Philippine Army na may ranggong Lt. Colonel na sa tuwing mananalo sa boxing ay bumisita sa tanggapan ng kinabibilangang hukbo at maging sa tropa ng militar na nasa combat operation sa Basilan at Sulu.
Nabatid na maraÂming mga sundalo ang humuhugot ng inspirasyon sa kanilang idolong si Pacman.
Sina Pacman at BradÂley ay maghaharap para sa welterweight title na nais mabawi ng pambansang kamao matapos ang kontroÂbersyal na panalo dito ng American boxer noong Hunyo 2012 sa MGM Grand Arena sa Nevada, Estados Unidos.
Kabilang naman sa pagdarausan ng free viewing ang AFP Wellness Center sa Camp Aguinaldo at magse-set-up rin ng wide screen sa AFP grandstand .
Bukod sa Camp Aguinaldo ay mayroon ding free viewing sa AFP Medical Center sa V. Luna, Quezon City.