MANILA, Philippines – Bukas si Metro Railway Transit (MRT) general manager Al Vitangcol III sa pagbibitiw sa puwesto ngunit hindi pa sa ngayon.
Sinabi ni Vitangcol ngayong Biyernes na bababa siya sa kanyang puwesto kapag nalinis na niya ang kanyang pangalan mula sa mga paratang na pangingikil ng $30 milyon mula sa Inekon Group kapalit ng kontrata sa MRT.
"I have considered resigning, okay, but not at this time. Because if I resign at this time, it might be construed as an admission of guilt. Once I'm cleared by all investigating bodies, nobody would ask me to resign, I will resign."
Si Czech Ambassador Josef Rychtar ang nagsiwalat ng umano’y pangingikil ni Vitangcol, ngunit sinabi ng MRT General Manager na gawa-gawa lamang ito.
Nilinaw din niya na hindi siya pinoprotektahan ng Palasyo o ng administrasyong Aquino.
"Nobody is protecting me. As I have mentioned, I am not a politician. I am a technocrat," wika ni Vitangcol.
Ilang grupo na ang nanawagan sa pagbibitiw ni Vitangcol dahil sa kontrobersyang kinakaharap nito.
"Siya mismo ay [dapat] magtender ng voluntary resignation and then give way dun sa mahuhusay o marunong sa technical aspect ng MRT or LRT, particularly sa management aspect. Hindi siya focused sa tungkulin, focused siya sa corruption," pahayag ni Sammy Malunes ng Riles Network sa isang panayam sa telebisyon kahapon.
Samantala, humingi ng paumanhin si Vitangcol sa mga tumatangkilik sa MRT at sinabing ginagawa nila ang lahat upang masolusyonan ang problema.
"I apologize to all our passengers for the inconvenience that they have suffered, but the MRT3 is doing, exerting its best effort so that the lines will be alleviated and we strive to improve the service. And when the new trains arrive, I am sure that there will no longer be congestion.â€
Nauna nang sinabi ni Vitangcol na kukuha sila ng 48 train coaches na darating simula Pebrero 2015.