Bacoor pinarangalan ng NDRRMC

MANILA, Philippines - Tumanggap kahapon ng pagkilala mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang pamahalaang lokal ng Bacoor dahil sa pagtulong nito sa mga naging biktima ng kalamidad.

Ang pagkilala ay tinanggap ni Bacoor, Cavite Mayor Strike Revilla mula kay NDRRMC Region IV-A Chairperson Vicente Tomazar, na isinagawa sa bayan ng Tanza.

Ito ay ang Bakas Para­ngal ng Kagitingan para sa natatanging kabayanihan na ipinamalas sa sam­bayanang Pilipino matapos ang mga nagdaang bagyo at kalamidad.

Una ng tumanggap ng parangal ang pamahalaang lungsod ng Bacoor sa pamumuno ni Re­villa ng Seal of Good House Keeping mula sa Department of Interior and Local Government (DILG). 

Ang lungsod ng Bacoor ay isa sa tinatamaan ng matinding pagbaha tuwing may bagyo at malakas na mga pag-ulan bunga ng habagat at marami rin sa mga residente ang madalas na inililikas.

Gayunman, iginiit ng alkalde na dapat ay laging handa ang bawat isa sa panahon ng kalamidad at sa pagtutulungan ng mga residente at lokal na pamahalaan, mas nababawasan ang mga nabibiktima sa pagragasa ng bagyo, baha at iba pang insidente.

Ipinagmalaki rin ni Mayor Revilla ang pagtatatag nila sa Bacoor City ng isang komprehensibo at de-kalidad na Command Center na tumutugon sa pangangaila­ngan ng lungsod sa mga emergency cases parti­kular na sa panahon ng pananalasa ng kalamidad.

Show comments