Plebisito sa Bangsamoro kasado na

MANILA, Philippines - Ikinakasa na ng Commission on Elections ang gaganaping halalan para sa Bangsamoro political entity.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, isang komite ang itinatag upang mangasiwa sa plebisto. Pamumunuan ito ni Commissioner Al Pareño.

Matatatandaan na noong malagdaan ang peace agreement sa pagitan ng gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nagpahayag na ng kahandaan ang Comelec sa plebisito o pagdetermina sa mga lugar na magiging sakop ng Bangsamoro.

Sakop ng plebisito ang mga lalawigan at siyudad na nasa ilalim ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), mga munisipalidad sa Lanao del Norte, mga lalawigan sa Cotabato at iba pa.

Matapos ang halalan, layon ng gobyerno na magtatag muna ng Bangsamoro transition authority o pansamantalang mga mamumuno sa 2015, bago ang aktuwal na halalan sa 2016.

Show comments