MANILA, Philippines - Hindi pa maaring ipaÂtupad ng gobyerno ang desisyon ng Korte Suprema sa Reproductive Health Law dahil hindi pa naman final and executory ang nasabing kautusan.
Ito ay sa kabila ng ulat na bahagi ng desisyon ay ang pagbawi sa inisyung Status Quo Ante Order ng hukuman nuong nakalipas na taon laban sa pagpapatupad ng batas.
Ayon kay Atty. Romulo Macalintal, isang pro-life advocate, ilang bahagi pa lamang kasi ng desisÂyon ang naipalalabas ng hukuman at hindi pa rin nakakatanggap ng kopya ng desisyon ang mga partidong sangkot sa kaso.
Paliwanag ni MacalinÂtal, maari pang maghain ang mga partido sa kaso ng motion for reconsideration kasama na rito ang pagkuwestyon sa pagbawi sa SQA order.
At habang nakabinbin pa umano ang MR, hindi pa maituturing na final and executory ang desisyon pati na ang pagbawi sa SQA order.
Inihalimbawa pa ni Macalintal ang mga kaso para suportahan ang kanyang posisyon tulad ng “Tolentino vs Secretary of Finance†noong 1994 o ang value added tax (VAT) cases na kung saan sinabi ng SC na sa kabila ng pagpabor nito sa legalidad ng VAT at sa pagbawi sa TRO laban sa nasabing buwis, pinayuhan nito ang BIR na ang desisyon ay hindi pa pinal at ang TRO ay hindi pa binabawi.