^

Bansa

Czech Amb. haharap sa MRT probe

Rudy Andal/Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng Malacañang ang pahayag ni Czech Ambassador Joseph Rychtar na handa itong humarap sa congressional inquiry hinggil sa umano’y $30 million extort attempt ni MRT 3 general manager Al Vitangcol.

Sinabi ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, welcome development ang gaga­wing kooperasyon ni Amb. Rychtar na nagsabing hindi siya takot kay Vitangcol na harapin kahit saang imbestigasyon.

Hindi naman masabi ni Valte kung bakit sa Kongreso at hindi sa DoTC balak magsalita si Rychtar.

Inihayag ni Valte na mismong si Rychtar ang boluntaryong nagwe-waive sa kanyang diplomatic immunity.

Umapela naman si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares sa pamahalaan at sa Liberal Party (LP) na tigilan na ang panghaharass kay Ambassador Rychtar.

Ito ay ang reaksyon ng kongresista matapos na magpahayag kahapon ang LP na binubuhay lamang nila sa oposisyon ang imbestigasyon at isyu sa MRT extortion para sa expansion project upang madawit ang administration party sa isyu.

Ayon kay Colmenares, halata naman na umiiwas ang LP na talakayin ang isyu ng pangingikil ng DOTC sa MRT expansion project at pilit na iniuugnay na may kinalaman ito sa 2016 elections.

ABIGAIL VALTE

AL VITANGCOL

AMBASSADOR RYCHTAR

BAYAN MUNA REP

CZECH AMBASSADOR JOSEPH RYCHTAR

DEPUTY PRESIDENTIAL

LIBERAL PARTY

NERI COLMENARES

RYCHTAR

VALTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with