MANILA, Philippines - Binigyan ng ‘special treatment†ng Pag-IBIG Funds ang kompanya ni Delfin Lee na Globe Asiatique na sangkot sa multi-milyon housing scam kaya nakakuha kaagad-agad ng P7 bilyon utang sa ahensiya ng pabahay.
Ito naging assessment ni Sen. JV Ejercito, chairman ng Senate Committee in Urban Planning, Housing and Resettlement sa ginawang pagdinig ng komite tungkol sa multi-bilyong housing scam.
Sa hanay umano ng 200 developers, maliwanag na nabigyan ng pabor ang kompanya ni Lee sa tinatawag na “express lane†ng Pag-IBIG Funds.
Ayon kay Ejercito, may itinayong tatlong “windows†ang Pag-IBIG para sa housing loans kung saan ang 1 at 2 ay para sa developers sa ilalim ng Circular 259, samantalang ang Window 3 ay para sa Real Estate Mortgage Loan Program ng mga pribadong bangko at pinansiyal na institusyon.
Pinuna ni Ejercito ang nakuhang P7 bilyong utang para sa kompanya ni Lee kahit pa may 200 developers na kuwalipikado rin sa programa.
“Iyong Window 1, iyong tinatawag na preserve window which was used by Globe Asiatique. This is an express lane, which Delfin Lee’s company belongs. Kapansin-pansin lamang na medyo malaki ang nakuha ng Globe Asiatique or na-take out na loan, about P7 billion,…Kahit saan mo anggulo tignan, may special accommodation o special treatment ang Globe Asiatique,†sabi ni Ejercito.
Plunder kay Lee
Samantala, sinabi rin ni Ejercito na maaring itaas sa kasong plunder ang kinakaharap na syndicated estafa ni Lee.
Dahil P7 bilyon ang sangkot na pondo sa nasabing scam maliwanag umano na pasok sa plunder ang kaso ni Lee.
Maituturing na pondo ng gobyerno ang ipinautang ng Pag-IBIG funds kay Lee kaya dapat itaas sa plunder ang kaso nito.
Dahil hindi nakadalo sa hearing kahapon, papadalhan na ng subpoena ng Senado si Lee upang dumalo sa susunod na pagdinig.
Nagisa sa hearing si dating Vice President Noli De Castro na siyang daÂting chairman ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC).
Itinanggi ni de Castro na binigyan ng HDMF o Pag-IBIG fund ng special treatment ang kompanya ni Lee.
Ito’y matapos aminin ni Darlene Marie BerbeÂrabe, kasalukuyang presidente at CEO ng Pag-IBIG Fund na nabigyan “special arrangement†ang GA noong 2009.
Sabi ni de Castro na walang special treatment kung hindi “special program†lamang dahil isang township project ang isinulong ng kompanya ni Lee na may simbahan, isang municipal, high school, palengke at plaza.
Nakakulong ngayon si Lee dahil sa kasong syndicated estafa.