MANILA, Philippines - Pangungunahan ni Pangulong Aquino sa Miyerkules ang paggunita sa Araw ng Kagitingan sa Mt. Samat, Bataan.
Sentro ng selebrasyon ang Mount Samat National Shrine sa Pilar, Bataan kung saan magtatalumpati ang Pangulo upang itanghal ang kabayanihan ng mga sunÂdalong Pilipino noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ayon kay Communications Sec. Herminio Coloma Jr., gugunitain ang naging sakripisyo ng mga beterano na lumahok sa Death March sa Capas, Tarlac.
Dagdag pa ni Coloma, patuloy na pinaghuhusayan ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa sa pamamagitan ng Philippine Veterans Affairs Office ang paghahatid ng mga benepisyo sa mga beterano at sa kanilang mga pamilya.
Simula rin sa Araw ng Kagitingan, ilulunsad ang Bayani Challenge para sa mga kabataang boluntaryong tutulong sa pagbabagong tatag sa mga lalawigang nasalanta ng bagyong Yolanda, lindol sa Bohol at karahasan sa Zamboanga.