Tax incentives sa 1st time home buyers
MANILA, Philippines - Isinusulong na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong mabigyan ng tax incentives ang mga nais bumili ng bahay sa unang pagkakataon.
Sa Senate Bill 2148 na inihain ni Senator Edgardo “Sonny†Angara, sinabi nito na marapat lamang na tulungan ng gobyerno ang mga mamamayan na magkaroon ng kanilang sariling tahanan.
Sa nasabing panukala na tatawaging Home Mortgage Relief Act of 2014 kapag naging batas, nais ni Angara na ibigay ang tax incentives sa mga first-time home buyers sa pamamagitan ng pagbawas sa interest ng utang bilang individual income tax incentive.
Binanggit ni Angara na maraming mga real estate developers ang nag-aalok ng mababang payment terms sa mga potensiyal na home buyers pero kakaunti lamang ang kumukuha dahil sa “financing aspect†ng proseso.
Kung tatanggalin aniÂya ang interest rates sa babayaran ang matitira na lamang ay ang principal amount ng property kaya mas marami ang kukuha ng bagong bahay.
Dapat lamang magpakita ang kuwalipikadong taxpayer na ito ang unang pagkakataon na bibili siya ng bahay na may minimum value na P2.5 milyon.
Magkakaroon din ng karagdagang benepisyo kung ang bibili ay isang solo parent at kung ang orihinal nitong tahanan ay nasira ng kalamidad o naapektuhan ng proyekto ng gobyerno.
- Latest