Meralco humirit ng tapyas sa distribution charge

File Photo

MANILA, Philippines - Muling napangiti naman ng Meralco ang kanilang mga consumer sa pinaka bagong hirit nila ngayon sa Energy Regulatory Commission (ERC).

Opisyal na ngang isinumite ng kumpanya ang hiling na tapyasan ng average na siyam na sentimos kada kilowatt hour ang distribution charge o ang tanging singil na napupunta sa Meralco. Bumubuo ito sa tinata­yang 18 porsiyento ng mga bills.

Para sa karaniwang residential consumer na gumagamit ng 200 kW kada buwan, mababawasan ang kanilang bayarin ng 15 sentimos kada kWh or katumbas ng 30 piso.

Inaasahan naman na ipatupad na ito sa Hulyo ng kasalukuyang taon hanggang Hunyo ng susunod na taon kung maaaprubahan agad ng Komisyon.

Ayon kay Edwin Jalandoni Mirano, bise presidente ng Isabel de Hidalgo Homeowners Association sa Quiapo Maynila, ang naging hakbangin ng Meralco ay pagpapatunay lamang na kung nakaamba ang pagbaba sa singil sa kur­yente ay siya naman nitong ipapatupad.

“Malaking tulong ito sa aming magkakapitbahay dahil makakamenos kami sa bayarin. Mas kampante rin kami dahil sa pagbaba­­bang aming aasahan,” dagdag ni Mirano.

Ani pa ni Mirano, ang naturang hakbangin ng Meralco ay patunay lamang na masusing binabantayan at tinututukan ang bawat sentimo na sinisingil sa mga consumer ng kuryente .

Show comments