MANILA, Philippines - Nakapagbayad na kahapon ng outstanding balance ang apat na Political Science students matapos bigyan ng palugit ng pamunuan ng University of the Philippines-Manila sa inihaing apela upang makasali sa 105th commencemaent rites sa Abril 25, 2014.
Kahit hanggang sa Abril 4 (Biyernes), pa ang deadline ng palugit, nagawang mai-settle ito kahapon.
Gayunman, ang problema pa nila ay kailangan pa muna nilang sumulat sa kanilang Chancellor para hilingin na mapasama sila sa candidates for Âgraduation.
Kasabay nito, binatikos ni Cleve Arguelles, isa sa apat na estudyante at dating Student Regent ng UP, ang “no late payment†policy na patuloy na ipinaiiral ng unibersidad dahil ito ay taliwas sa ginawa nilang pag-amyenda sa Article 330 ng University Code na nagsasabing :“No qualified UP student shall be denied access to education due to financial incapacity.â€
Ang amyenda sa nasabing probisyon ay inaprubahan noong Abril 12, 2013 kasunod ng sinapit ni Kristel Tejada, ang estudyanteng nagpatiwakal dahil sa hindi mabayarang tuition fee.
Sa ilalim ng no late payment policy, ang mga estudyante na bigong makapagbayad ng matrikula sa takdang panahon ay hindi papayagan na makapagpatuloy ng semestre at dapat na mag-leave of absence.
Sa ipinadalang pahayag ng UP Manila, tinukoy na sa isang memorandum na nilagdaan ni UP Pres. Alfredo Pascual noong Marso 31, 2014, nakasaad na posibleng nagkakaroon ng magkakasalungat na interpretasyon sa Article 330 na bagong apruba pa lamang ng BOR.