MANILA, Philippines - Buo ang tiwala ni daÂting Puerto Princesa City Mayor Edward S. Hagedorn na ibabasura ng Ombudsman ang kasong katiwalian na isinampa laban sa kanya dahil wala itong basehan at dala lamang ng pagkatakot sa “recall†ang nag-udyok sa mga taong nasa likod nito.
Ayon kay Alroben Goh, dating city information officer ng PPC, “matinÂding takot†at hindi mga ebidensiya ng umano’y katiwalian ng administrasyon ni Hagedorn bilang alkalde ang tunay na dahilan sa isinampang kaso ng kanyang political opponent na si dating police general Eduardo Matillano.
Ayon kay Alroben Goh, dating PPC Public information Officer na ang mga complainants na sina Matillano, Marlene Jagmis at Lorna Cayanan ay pakawala lamang umano ng bagong pamunuan ng siyudad na takot sa recall.
Batay sa reklamo, inakusahan ni Matillano si Hagedorn ng “paglustay†ng may P13 milyon sa pagbili ng 33-unit ng ‘electric power vehicles’ at isang SUV (Ford Expedition), batay naman sa 2011 report ng Commission on Audit (COA).
Aniya pa, ang 33 electric power vehicles ay kasama sa mga ‘asset’ ng siyudad na ‘na-turn-over’ kay Mayor Lucilo Bayron matapos itong mahalal na mayor noong isang taon.
Sana rin umano ay kinausap muna ni Matillano si Bayron patungkol sa Ford Expedition dahil ito ngayon ang ginagamit na ‘service vehicle’ ng alkalde.
Paniwala naman ni Hagedorn, ang napiÂpintong “recall election†sa PPC na masusi na ngayong pinag-aaralan ng Commission on Elections (Comelec) ang nakikita niyang dahilan kung bakit “nagsasabwatan†umano ngayon ang kanyang mga kalaban sa pulitika upang sirain ang kanyang paÂngalan at imahe sa publiko.
“It seems that this fear of my possibly running in the recall election is what prompted all my political enemies to join hands in a concerted campaign to destroy my name before the people of Puerto Princesa in particular and the rest of our people in general,†pahayag ni Hagedorn.
Aniya pa, tila ‘obsessed’ na umano sa kanya si Matillano na ilang beses na niyang tinatalo sa mga halalan sa PPC.
Sakali namang matuloy ang recall election, ito ang ikalawa sa kasaysayan ng PPC sapul pa noong 2002 na pinagwagian ni Hagedorn.