MANILA, Philippines - Inirekomenda na kahapon ng tanggapan ng Ombudsman na kasuhan ng plunder at graft sa Sandiganbayan ang negosyanteng si Janet Lim Napoles, Senators Juan Ponce Enrile, Bong Revilla at Jinggoy Estrada kaugnay ng kontrobersiyal na pork barrel scam na pawang non-bailable offenses.
Sa press conference, binigyang diin ni Assistant Ombudsman Asyrman Rafanan na nakakita ng probable cause para sampahan ng naturang mga kaso ang naturang mga senador at si Napoles matapos umano’y gamitin ng mga ito ang kapangyarihan at magsabwatan para lustayin ang pera ng bayan.
Gayunman, sinabi ni Rafanan na hindi naman agad maisasampa ang naturang kaso laban sa mga nabanggit dahil bibigyan pa ng pagkakataon ang mga ito na magbigay ng kasagutan hinggil sa rekomendasyon ng Ombudsman.
Limang araw na palugit ang ibinibigay sa mga nabanggit para sagutin ang naturang rekomendasyon.
Kahapon ng umaga ay nagpalabas din ng rekomendasyon ang Senate Blue Ribbon committee na kasuhan ng plunder ang mga nabanggit kaugnay ng pork barrel scam.
Sa mga susunod na araw naman umano ay ilalabas na rin ng Ombudsman ang rekomendasyon nito laban sa ilan pang mga mambabatas at personalidad na second batch na nasampahan ng kasong plunder dahil sa naturang scam.
Ayon naman kay Senate Blue Ribbon committee chairman Sen. Teofisto Guingona, natuklasan ng komite na pinagplanuhan, pinagkaisahan at pinagpasasaan ng mga sangkot sa pork barrel fund scam ang pera ng taumbayan.
Bukod sa kasong plunder, pinapasampahan din ang mga sangkot ng direct bribery, paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practice Act, Fraud against the public treasury at Violating the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.
Si Napoles naman ay pinasasampahan din ng Corruption of public officials, Fraud against the public treasury, Violation of the Anti-graft and Corrupt Practices Act, fraud against the public treasury, at False testimony.
Bukod sa tatlong senador at kay Napoles, pinakakasuhan din ang dating chief of staff ni Enrile na si Atty. Jessica Lucila “Gigi†Reyes, dating staff ni Estrada na si Pauline Labayen at political staff ni Revilla na si Richard Cambe.
Inirekomenda rin ng komite ang pagsasampa ng kaso laban sa mga dating opisyal ng mga implemenÂting agencies katulad nina dating National Agribusiness Corp. President Alan Javellana at Technology Resource Center (TRC) director general Antonio Ortiz.
Ipinauubaya naman ni Guingona sa Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban kina Ruby Tuason at TRC director Dennis Cunanan na parehong humarap sa komite at nagdiin kina Enrile, Revilla at Estrada.