MANILA, Philippines - Pinalawig pa ng Metropolitan Manila Development AuthoÂrity (MMDA) ang paggamit ng libre ng mga provincial bus operator ang itinayong Integrated Provincial Bus Terminal sa Parañaque City hanggang hindi pa naÂitatayo ang permanenteng terminal.
Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, bagama’t unang napagkasunduang hanggang anim na buwan lamang maaaring gamitin ng libre ng mga operator ang naturang terminal, ipinasya na rin nilang huwag munang pagbayarin ang mga ito dahil hindi pa itinatayo ang permanenteng terminal para sa mga bus na bumibiyahe ng Cavite at Batangas.
Matatandaan, na itinayo ang Integrated Provincial bus Terminalbilang isa mga nakitang solusyon ng ahensiya upang maibsan ang problema ng trapiko sa Metro Manila partikular sa EDSA Avenue.
Sa datos ng MMDA, may 85 provincial bus terminal sa Metro Manila at 45 dito ay matatagpuan sa kahabaan ng EDSA Avenue.
Ngunit ang naturang terminal ay pansamantala lamang dahil nakatakdang itayo ang magiging permanenteng terminal para sa mga provincial na may rutang Cavite at Batangas.
Dahil libre ang paggamit ng terminal, maÂlaki ang natitipid ng mga bus operator dahil hindi na nila kailangang umupa ng kanilang gagaÂwing terminal.