Sobrang allowance ng mga Ex-Dir. ng TESDA ipinasosoli ng SC
MANILA, Philippines - Inatasan ng Korte Suprema ang mga dating director-general ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na isoli ang sobrang allowance na kanilang natanggap.
Sa botong 14-1, partikular na ipinasosoli ng Korte Suprema ang hindi otorisadong Extraordinary and Miscellaneous Expenses (EME) na natanggap ng mga nanungkulang pinuno ng TESDA mula 2004 hanggang 2007.
Sa resolusyong ipinonente ni Senior Associate Justice Antonio Carpio, binago ng Mataas na Hukuman ang ilang bahagi ng desisyon ng Commission on Audit (COA) na may petsang Nobyembre 15, 2012.
Ang pagkakaloob ng EME ay nakapaloob sa General Appropriations Act noong 2004 hanggang 2007, pero sumobra umano ang allowance na inilabas ng ahensya na inaprubahan sa GAA.
Mayo ng 2008, nag-isyu ang TESDA Audit Team ng notice of disallowance laban sa halos 5.5 milyon na sobrang EME na inilabas ng ahensya, pero ito ay iniapela ni dating TESDA Director General Boboy Syjuco Jr. sa COA.
Pero natalo pa rin ang TESDA sa COA kaya iniakyat na ng TESDA ang kaso sa Korte Suprema.
- Latest