MANILA, Philippines - Hinamon ng PaÂngulong Benigno Aquino III ang 202 na bagong graduates ng Philippine National Police AcaÂdemy (PNPA) Class 2014 na maging halimbawa ng matuwid na pamamahala at huwag masangkot sa ano mang uri ng pangongotong.
Sinabi ng Pangulong Aquino sa kanyang mensahe na kung maging pulis ay dapat magserbisyo ng tapat sa taumbayan na may kaakibat na dedikasyon at huwag gumawa ng katiwalian na magsisilbing kalawang sa imahe ng PNP.
Ayon sa Pangulo, hindi dapat masangkot at maging pasimuno sa pangongotong sa mga mapupunta sa PNP at kung maging bumbero ay hindi dapat usad-pagong sa pagresponde kung may sunog.
Aniya, dapat isabuhay ang natutunang katapatan sa loob ng akademiya at huwag biguin ang taumbayan.
Iginiit din ng PanguÂlong Aquino na hindi nagkukulang ang gobÂyerno sa pangangailaÂngan ng mga pulis.
Inihayag ng Pangulo na kararating lang ng mga bagong baril ng mga pulis at nalalapit ng makamit ang 1-1 pistol-police ratio.
Samantala, limang kadete ng PNP academy batch 2014 ang hindi napasama sa graduation rites kahapon ng umaga dahil sa kanilang medical conditions.
Sinabi ni PNPA Director P/Chief Supt. Noel Constantino, ang tatlong kadete ay natuklasan na may white parkinsons syndrome related sa puso, color blind at positibo sa tuberculosis.
Bago i-kumisyon, isinasailalim ang mga kadete sa final medical exam habang nadismis naman ang dalawang kadete na nandaya sa exam at nanuntok sa isang plebo.
Tumanggi naman si Constantino na tukuyin ang pangalan ng mga kadete pero palaisipan naman sa marami kung bakit nakapasok at gumugol pa ng apat na taon bago natuklasan ang sakit ng tatlo, lalo na ang may parkinson’s disease.
Si Constantino ay naitalaga ni PNoy bilang PNP academy director noong nakalipas na taon. Sa kabuuang 202, sampung kadete ang mga babae at 192 ang mga lalaki.