MANILA, Philippines – Makararanas ng maaliwalas na panahon ang silangang bahagi ng Katimugang Luzon, Visayas at Mindanao dahil sa patuloy na pag-iral ng easterlies, ayon sa state weather bureau ngayong Lunes.
Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magiging bahagyang maulap hanggang s maulap ang kalangitan ng bansa na may pulu-pulong pag-ulan na may pagkulog at kidlat.
Dagdag ng PAGASA na walang inaasahang sama ng panahon ang papasok ng bansa hanggang Miyerkules.
Samantala, maglalaro sa 24 hanggang 35 degrees Celsius ang temperature sa bansa.