Turismo sa Albay lumago ng 66% - DOT
LEGAZPI CITY , Philippines – Tourism powerhouse na ang Albay matapos umakit ng 800,000 mga turista ang magagandang destinasyon at kampanya nito at lumago ng 66 porsiyenÂto ang turismo ng lalawigan nitong nakaraang 2013.
Ipinahayag ang mga ito ni Tourism Assistant Secretary Benito Bengzon nang maging guest speaker siya sa pagbubukas ng Daragang Magayon Festival 2014 dito. Siya ang humahawak sa international promotion ng Department of Tourism (DOT).
Sa kanyang talumÂpati, sinabi ni Bengzon na nanguÂnguna na ang Albay sa turismo ng bansa dahil bukod sa mga kaakit-akit na destinasyon nito, meron na ito ito diretsong ugnayan sa international tourism market, may sariling tatak na ang turismo nito, at may mabisang liderato ang lalawigan.
Ang Daragang Magayon Festival, ayon kay Bengzon, ay isa sa pinakaÂpopular na pista sa bansa na umaakit ng maramiÂng bisita at “ito ay dahil sa mabisang pamumuno ni Gov. Joey Salceda na napagsasama-sama ang lahat ng sector at stakeholders tungo sa isang magandang layunin at direkÂsiyon.â€
Apat na dahilan ang binanggit ni Bengzon kung bakit naging matagumpay ang turismo ng Albay: kaaki-akit ang mga mapapasyalan dito; nakagawa na ito ng sariling “tourism brand†na umaakit sa imahinasyon ng mga dayuÂhang turista; may diretÂsong ugnayan na ito sa international tourism market; at mabisang liderato na napagiisa ang interes ng lahat ng stakeholders tungo sa isang adhikain at layunanin.
Kakakailan lamang ay dalawang direct chartered flights mula sa China ang naghakot ng daan-daang turista dito. Inaasahang babaha ang mga banyagang turista dito at sa buoÂng Bicol kapag natapos at nabuksan na ang Southern Luzon International Airport sa Daraga, Albay sa 2016.
Ika-14 taon na ngayon ng Daragang Magayon Festival. Isa na ito sa ilang pinakapopular na pista sa bansa na malaki ang naiaamÂbag sa pagsulong ng turismo ng Pilipinas.
- Latest