MANILA, Philippines - Inanunsiyo ng Malacañang na bukas na para sa lahat ng mga interesado na makapag-aral ng libre ng iba’t ibang mga dialects ang Technical Education and Skills Development Authority ngayong taon.
Ayon kay Deputy PreÂsidential Spokesperson Abigail Valte, sinumang interesado ay maaring magtungo sa TESDA sa pamumuno ni Director-General Joel Villanueva.
Kabilang sa mga libÂreng diyalekto na maaring mapakinabangan ng mga kababayan ay ang Mandarin, Spanish, Nihongo at Arabic.
Layunin ng libreng pag-aaral sa iba’t ibang foreign languanges na makatulong sa mga kababayan na mangiÂngibang bansa para sa mabilis na paghahanap ng trabaho.
Sa sinumang mga interesado ay maaaring makipag-ugnayan ang mga ito sa pinakamalapit na tanggapan ng TESDA regional offices.
May mga iskedyul na rin umanong nakapaskil sa mga tanggapan ng ahensiya na maaring ma-avail ng mga mamamayan.