^

Bansa

Mga corrupt na pulitiko sa Iloilo ibubulgar ni Miriam

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbabala si Sen. Miriam Defensor-Santiago na ibubulgar niya ang mga kapwa niya Ilonggong pulitiko na mga corrupt.

Ginawa ni Sen. Santiago ang babala ng maging panauhin sa commencement exercises ng West Visayas State University sa lungsod ng Iloilo.

Sinabi ni Santiago, alam niya kung sino-sino ang mga magnanakaw na pulitiko sa lalawigan ng Iloilo.

Wala pa namang pi­nangalanan na mga pulitiko si Santiago na sinasabi n’yang corrupt pero ipinahiwatig na kung sino ang may malaking proyekto sa Iloilo ay siya ring may malaking kickback.

Nagbabala pa ito na kapag mabigyan nang pagkakataon na mag-deliver ng isa pang speech, isa-isa niyang panga­ngalanan ang mga corrupt Ilongo officials.

Idinagdag pa ng mam­babatas, nagkamali yata siya sa kinuhang kurso kung saan kumuha pa siya ng doctorate degree sa ibang bansa na ang magiging papel lang pala niya ay ang pakikipaglaban sa mga magnanakaw na pulitiko.

Wika pa nito, sana ay nag-aral na lamang siya ng martial arts dahil ito ang kanyang kailangan sa ngayon.

vuukle comment

GINAWA

IDINAGDAG

ILOILO

ILONGGONG

ILONGO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NAGBABALA

WEST VISAYAS STATE UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with