Implementing agencies sa ‘pork’ hahabulin
MANILA, Philippines - Maghahain ng isang resolusyon si Senator Miriam Defensor-Santiago upang palawakin ng SeÂnate Blue Ribbon Committee ang imbestigasyon sa pork barrel fund scam at isama sa mga sisilipin ang pananagutan ng mga implementing agencies hanggang 2013.
Ayon kay Santiago, ang mga pinuno ng ilang implementing agencies ng mga programang pinondohan ng pork barrel funds katulad ng Technology Research Center (TRC), National Agribusiness Corporation (NABCOR), at Muslim Youth Foundation ay “equally guilty†ng mga mambabatas na nakagawa umano ng plunder o malversation ng pork barrel funds.
Hind aniya dapat pinaÂyagan ng mga implementing agencies ang mga tiwaling pulitiko na paboran ang ilang non-government organizations.
Dapat aniyang nagÂhanap ng sariling pondo ang mga NGOs katulad ng international donors, international financing institutions, corporate donors, at hindi kumuha ng pondo mula sa pork barrel funds.
Sinabi ni Santiago na sa ngayon ay lumalabas na walang ahensiya ng gobyerno ang nagmo-moÂnitor ng ‘flow’ ng public funds sa mga NGOs lehitimo man o hindi.
Ipinunto rin ni Santiago na karamihan sa mga implementing agencies ay hindi nilikha ng Kongreso kundi mga subsidiary corporations ng mga kasalukuyang departamento o government-owned corporations.
Nangako si Santiago na bilang miyembro ng komite, titingnan niya mismo ang pananagutan ng mga head ng implementing agencies.
- Latest