MANILA, Philippines - Sinugod ng mga umano’y biktima ng bagyong Yolanda sa Visayas ang gusali ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Quezon City kahapon ng umaga.
Ang naturang grupo na pinamumunuan ng samahang People Surge ay may mga dalang placard at humihiling na magbitiw sa puwesto si DSWD Secretary Dinky Soliman bunga ng anila’y kapabayaan ng ahensiya na mapangaÂlagaan ang kanilang kapaÂkanan at kabuhayan.
Humiga rin sa kalsada ang may 100 militante bilang bahagi ng kanilang protesta.
Partikular na ikinagalit ng mga protesters ang anila’y pagkabulok ng mga relief goods na dapat sana’y napakinabangan nila at hindi nasayang.
Giit din ng mga ito ang pagkakaloob ng pamahalaan sa kanila ng ayudang pinansiyal na P40,000 para makapagsimulang muli sa buhay.
Kinuwestyon ng mga ito kung nasaan na ang mga dolyares at iba pang pondo na mula sa ibang bansa at mga organiÂsasyon at indibidwal na hindi nakarating sa kanila.
Makaraan naman ang dalawang oras na protesta ay umalis na rin ang naturang grupo sa harap ng gusali ng DSWD.