MANILA, Philippines - Inihain na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) para palakasin ang kontrol ng gobyerno sa National Power Corp. (Napocor).
Sa Senate Bill No. 2167 ni Sen. Chiz Escudero, sinabi nito na dapat masawata ang tinatawag na “profit-oriented practices na sektor ng enerÂhiya.
Partikular na aamiyendahan ang Section 47 ng Republic Act No. 9136 o ang EPIRA Law upang ilagay ang natitirang assets ng Napocor sa kontrol ng pamahalaan.
Nais ni Escudero na tuluyang ibasura ang probisyon na nagsasaad na ang assets ng Napocor ay: “shall be sold in an open and transparent manner through public bidding, and the same shall apply to the disposition of independent power producers (IPP) contracts.â€
Isa si Escudero sa mga kumontra sa pagpasa ng EPIRA at maliwanag naman aniya na hindi nito naihatid ang pangako na mareresolba ang krisis ng enerhiya sa bansa kabilang na ang mataas na presyo ng kuryente.
Ipinaalala rin nito na ang presyo ng kuryente sa Pilipinas ay isa sa pinakamataas sa Asia.
Sa kasalukuyan aniyang sitwasyon ang mga pribadong negosyante ay maaring magtaas ng presÂyo ng kuryente anumang oras na gustuhin nila.
Nakasaad din sa SB 2167 na hindi dapat isama sa privatization ang Agus at Pulangi complexes sa Mindanao dahil ang mga nabanggit na hydropower plants ang nagsu-suplay ng kalahati ng demand ng enerhiya sa Mindanao.