^

Bansa

EPIRA Law aamyendahan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inihain na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) para palakasin ang kontrol ng gobyerno sa National Power Corp. (Napocor).

Sa Senate Bill No. 2167 ni Sen. Chiz Escudero, sinabi nito na dapat masawata ang tinatawag na “profit-oriented practices na sektor ng ener­hiya.

Partikular na aamiyendahan ang Section 47 ng Republic Act No. 9136 o ang EPIRA Law upang ilagay ang natitirang assets ng Napocor sa kontrol ng pamahalaan.

Nais ni Escudero na tuluyang ibasura ang probisyon na nagsasaad na ang assets ng Napocor ay: “shall be sold in an open and transparent manner through public bidding, and the same shall apply to the disposition of independent power producers (IPP) contracts.”

Isa si Escudero sa mga kumontra sa pagpasa ng EPIRA at maliwanag naman aniya na hindi nito naihatid ang pangako na mareresolba ang krisis ng enerhiya sa bansa kabilang na ang mataas na presyo ng kuryente.

Ipinaalala rin nito na ang presyo ng kuryente sa Pilipinas ay isa sa pinakamataas sa Asia.

Sa kasalukuyan aniyang sitwasyon ang mga pribadong negosyante ay maaring magtaas ng pres­yo ng kuryente anumang oras na gustuhin nila.

Nakasaad din sa SB 2167 na hindi dapat isama sa privatization ang Agus at Pulangi complexes sa Mindanao dahil ang mga nabanggit na hydropower plants ang nagsu-suplay ng kalahati ng demand ng enerhiya sa Mindanao.

vuukle comment

AGUS

CHIZ ESCUDERO

ELECTRIC POWER INDUSTRY REFORM ACT

INIHAIN

MINDANAO

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORP

REPUBLIC ACT NO

SA SENATE BILL NO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with