MANILA, Philippines – Inaprubahan na ng University of the Philippines (UP) Board of Regents ngayong BIyernes ang paglilipat ng pagbubukas ng klase sa Agosto.
Sakop ng desisyon ang UP sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas kabilang ang sa Maynila, Los Baños, Baguio, Visayas, Mindanao, Open University, Cebu College at Diliman.
Noon pang Pebrero 6 nagkasundo ang UP na buksan ang klase sa Agosto maliban sa Diliman na nitong nakaraang linggo lamang sumang-ayon.
Kaugnay na balita: UP-Diliman sa Agosto na magbubukas ng klase
“The decision to shift the academic calendar is part of the continuing efforts of UP to develop into a regional and global university and to maximize the opportunities offered by ASEAN (Association of Southeast Asian Nations) integration and global educational partnerships,†wika ni UP President Alfredo Pascual.