MANILA, Philippines - Nagkarambulan ang grupo ng mga Muslim at militanteng tagasuporta ng National Democratic Front sa Mendiola habang naghihintay sa paglagda sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB) na ginawa sa Malacañang, kahapon ng umaga.
Napikon umano ang grupo ng mga Muslim nang maingayan sa pagsigaw ng militanteng Kabataang Makabayan habang abala sa pagbasa ng “Koran†na bahagi ng kanilang interfaith rally sa Mendiola.
Dakong alas-10:00 ng umaga nang magmartsa ang Kabataang MakabaÂyan patungo sa panulukan ng Legarda at Recto kung saan nagpo-programa naman ang mga Muslim.
Nang simulan ng militante ang napakalakas na sound system at isinigaw ang ‘Mabuhay ang Kilusan!†nabulabog naman ang mga Muslim na nagbabasa ng Koran kaya sinagot din ng sigaw ang kabilang grupo ng “Allahu Akbar!â€, na naging hudyat ng pagsugod ng mga Muslim at nagpang-abot na nagkagirian, naghabulan hanggang Morayta.
Umatras na ang may 100 miyembro ng militante habang ang footbridge naman ang inakyat ng mga Muslim at pinagbaÂbaklas ang mga streamer at banner ng mga militante na ikinabit doon.
Sinabi ng ilang lider ng Muslim na mahalaga at makasaysayan ang event na matagal na nilang hinihintay kaya hindi sila dapat guluhin at pambabastos umano sa Koran ang pag-iingay ng kabilang grupo.
Nagawa namang maÂpayapa ang kaguluhan nang mamagitan ang mga tauhan ng Manila Police District at mga lider ng Muslim o Imam at ilang traffic enforcers.
Sinabi ng presidente ng Imam Council of the Philippines na si Ibra MoxirÂ, inaasahan nila na kung maitatag na ang Bangsamoro ay simula na ng tunay na kapayapaan sa Mindanao at magwawakas na ang karahasan at kaguluhan na may 40 taon nang nagaganap.