Bangsamoro deal pirmado na!

File photo.

MANILA, Philippines — Naging makasaysayan ang araw na ito matapos lagdaan ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), isang hakbang papalapit sa pagbuo ng Bangsamoro region.

Nilagdaan nina sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino II, at MILF lead negotiator Mohager Iqbal ngayong Huwebes sa Malacanang ang limang pahinang papeles na naglalaman ng mga napagkasunduan ng dalawang panig.

Kaugnay na balita: Muslim, NDF supporters nagpang-abot sa Mendiola

Napagkasunduan ng gobyerno at ng MILF ang mga sumusunod:

  •     Ceasefire Agreement of 1997
  •     Agreement on Peace signed in 2001 in Tripoli
  •     Declaration of Continuity of Negotiations in June 2010
  •     Annex on Transitional Arrangements and Modalities
  •     Annex on Revenue Generation and Wealth-Sharing
  •     Annex on Power Sharing
  •     Annex on Normalization
  •     Addendum on Bangsamoro Waters
  •     Framework Agreement on the Bangsamoro

Dumalo sa makasaysayang okasyon sina Pangulong Benigno Aquino III, MILF chairman Al Haj Murad Ebrahim, Malaysian Prime Minister Najib Razak, at Presidential Advisor on the Peace Process Teresita Deles.

Layunin ng CAB na matapos na ang kaguluhan sa pagitan ng dalawang panig at bumuo ng bagong rehiyon na papalit sa kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Hindi napigilan ni Deles na maiyak sa kapayapaang nakamit ng mga Pilipino.

"Tama na we are all tired of [war]. A new dawn has come," sabi ni Deles sa kanyang talumpati.

"Today we embrace peace with a crushing might of a people and banished war with the power of a nation united," dagdag niya.

Show comments