Pacquiao: Bradley ‘di makikipagsabayan sa 'kin
MANILA, Philippines – Naniniwala si eight-division champion Manny Pacquiao na hindi makikipagsabayan ng suntukan ang kanyang katunggaling si Timothy Bradley sa muli nilang paghaharap sa Abril 12 sa Las Vegas.
Aniya, inaasahan na niyang tatakbo si Bradley at sinabi pa ni Pacquiao na handa niya itong habulin upang maibalik sa kanya ang WBO welterweight title.
“I do not think Bradley will fight toe-to-toe with me either, so I will have to hunt him down. I am prepared for that,†pahayag ng Saranggani representative.
Kaugnay na balita: Pacquiao dedma sa judges kontra Bradley
Sa huling beses na nakipagsabayan si Bradley sa isang laban ay napatumba siya ng Rusong si Ruslan Provodnikov sa ika-12 round pero masuwerteng naitakas ang panalo tulad nang pagkawagi niya kay Pacquiao.
Kaya naman sinabi rin ng Filipino boxing icon na hindi na niya hahayaan pang makaulit ang Amerikano.
“I am not going for a knockout but if the opportunity presents itself, I am going to go for it this time. Bradley's talk that I am no longer hungry has inspired me throughout this training camp.â€
- Latest