LEGAZPI VITY, Philippines - – Humanga ng husto sa kagandahan ng mga tourist destinations ng Albay ang mga world officials ng Junior Chamber International (JCI) nang dumalaw sila rito kamakailan.
Pinangunahan nina JCI world president Shine Bhaskaran at Philippine JCI president Christine Ponce-Garcia ang ‘multi-pronged summer adventure†dito ng Jaycees na may kaugnayan sa kalikasan, turismo, kalusugan at academics o kaalaman.
Bagama’t abala ang lalawigan sa paghahanda para sa nalalapit na Daragang Magayon Festival 2014, inalayan sila ng isang luncheon confeÂrence ni Albay Gov. Joey Salceda sa Oriental Hotel dito.
Sa kanyang pahayag, inamin ni Bhaskaran na hanga siya sa likas na ganda ng mga tourism assets ng Albay, sa makabuluhang holistic deveÂlopment program nito na naka-ankla sa turismo, at sa mahusay na sistema ng pamamahala sa pamahalaang local.
Sinabi rin ni Bhaskaran na mula sa Kerala, India at malimit umikot sa iba’t ibang bansa sa mundo na tila si Salceda ang “smartest public official†na nakatagpo niya.
Pinili ng JCI ang Albay na pagdausan ng multi-pronged summer adventure nito dahil ang lalawigan ay itinuturing na “booming tourism hub†ng bansa. Daan-daang mga Jaycees at mga opisyal nila mula sa ibang rehiyon ng bansa ang dumalo at muling ninamnam ang masasarap na lutong Bikol, magandang mga tanawin, at bukas na pagtanggap ng mga Albayano.