^

Bansa

239 sakay ng Malaysian plane patay lahat!

Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Posibleng patay lahat ang 239 sakay ng Malaysia Airlines flight MH370 matapos ideklara ng Malaysian government na nag-crash ito sa Indian Ocean.

Kinumpirma nitong Lunes ng gabi ni Malaysian Prime Minister Najib Razak na ang MH370 na 16 na araw nang nawawala ay bumagsak sa isang remote area ng katimugang bahagi ng Indian Ocean.

Ang konklusyon ay ibinase sa lumabas na satellite-data analysis ng Britanya at hindi sa pagkakadiskubre ng mga floating objects sa Indian Ocean na ipinalalagay na wreckage ng  Boeing 777 (MH370).

Sinabi ni Najib na sa Indian Ocean nagtapos ang biyahe ng MH370 at ipinapalagay na walang nakaligtas sa 239 pasahero at crew nito.

Nagpaabot na siya ng pakikiramay sa lahat ng pamilya ng mga biktima.

Ani Najib, nagmula ang kanilang bagong impormasyon sa Air Accidents Investigation Branch ng Britain at ng British Inmarsat satellite communications company, na una na ring nagbigay ng data na nag-divert o lumihis sa orihinal na dadaanan nito ang MH370.

“It is, therefore, with deep sadness and regret that I must inform you that, according to this new data, Flight MH370 ended in the southern Indian Ocean,” ani Najib.

Halos madurog naman ang puso at nagpupuyos sa galit ang pamilya ng mga biktima na nagtipun-tipon sa Kuala Lumpur at sa Beijing upang mag-antabay sa ginagawang search.

Nagpalabas na rin ng pakikiramay si Malaysia Airlines CEO Ahmad Jauhari sa pamilya ng mga biktima at nangako ng lahat ng tulong sa oras ng kanilang pagdadalamhati.

Sinabi naman ni spokesman Hong Lei ng Chinese Foreign Ministry na itutuloy ng China ang paghahanap sa eroplano at hiniling nila sa Malaysian government na ibigay ang lahat ng data analysis at impormasyon na pinagbasehan para lumabas ang konklusyon na sa Indian Ocean ito bumagsak.

Kahapon, sinuspinde ng Australian led-search team ang search mission sa MH370 sa Indian Ocean dahil sa masungit na lagay ng panahon.

Bagaman iniulat na maraming floating objects ang naispatan sa international air at sea search sa nasabing lugar nitong Lunes, hindi pa rin kinukumpirma na ito nga ang wreckage ng MH370.

Ang Estados Unidos ay magpapadala ng undersea Navy drone sa Australia bilang dagdag sa high-tech black detector upang tumulong sa paghahanap ng blackbox ng MH370 kung saan maririnig ang huling komunikasyon ng piloto bago bumagsak ang erop­lano sa Indian Ocean.

AHMAD JAUHARI

AIR ACCIDENTS INVESTIGATION BRANCH

ANG ESTADOS UNIDOS

ANI NAJIB

BRITISH INMARSAT

INDIAN

INDIAN OCEAN

MALAYSIA AIRLINES

MH370

OCEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with