UP Diliman, posibleng sa Agosto na rin magbukas ng klase

MANILA, Philippines - May posibilidad na makasama na rin  ang University of the Philippines-Diliman sa Quezon City sa hanay ng mga unibersidad sa bansa na magbubukas ang klase sa buwan ng Agosto mula sa June school opening.

Batay sa Philippine Collegian, pahayagan ng UP Diliman, nakasaad dito na ang  UP Diliman University council ay inaprubahan na ang bagong buwan ng pagbubukas ng klase.

Ayon kay Student Regent Krista Melgarejo, 284 miyembro nila ay boto sa pagbubukas ng klase sa Agosto, 164 ang ayaw at 8 ang wala pang desisyon.

Gayunman, sinabi ni UP professor Danilo Arao  na ang university council ay nag-apruba lamang ng endorsement sa Board of Regents at sa March 28 ay magpapalabas ng desisyon ang  BOR para dito.

 

Show comments