Walang immunity sa mga Tiamzon – De Lima
MANILA, Philippines — Pinabulaanan ni Justice Secretary Leila de Lima ang sinabi ng Communist Party of the Philippines-National Democratic Party's (CPP-NPA) na may immunity ang dalawang nasakoteng ssina Benito at Wilma Tiamzon bilang parte ng kanilang usaping pangkapayapaan.
"According to the government panel and according to OPPAP, Tiamzon has not really been determined or verified to be (Joint Agreement of Safety and Immunity Guarantees or JASIG) covered," pahayag ni De Lima sa isang panayam sa telebisyon ngayong Lunes.
Dagdag ng kalihim na kahit ang alyas ni Benito Tiamzon ay wala sa listahan ng mga may immunity.
Kaugnay na balita: Pag-aresto kina Tiamzon at Austria ilegal! - grupo
"That list contains the names and the aliases of these JASIG-covered personalities, and Tiamzon was never determined to be JASIG-covered," banggit ni De Lima.
Ngunit inamin din ni De Lima na hindi na marekober ang laman ng diskette kung saan nakalagay ang mga pangalan at alyas ng mga kabilang sa immunity.
Pero nilinaw pa ng kalihim na kahit protektado sila ng JASIG ay nahaharap pa rin sila sa kasong criminal kaya naman legal ang kanilang pagkakahuli sa dalawa.
Timbog ang mga Tiamzon nitong Sabado sa Aloguinsan, Cebu para sa kasong 15 count of murder.
Sila ang itinuturong pumatay sa 15 sibilyan sa Inopacan noong 1985 kung saan noong 2006 lamang natagpuan ang mga bangkay.
"It has nothing to do with the peace process. These cases are criminal cases and the warrants are issued by the courts concerned," sabi ni De Lima.
"JASIG immunities are not meant to undermine the criminal justice system," dagdag ng kalihim.
Sinabi pa ni De Lima na wala ring bisa ang JASIG ngayon dahil hindi naman gumugulong ang usaping pangkapayapaan.
"It presupposes that there is an ongoing peace negotiation and we don't see that ... There has not really been a resumption of the peace talk.â€
- Latest